Handa akong isakripisyo ang mga prinsipyong akala ko ay tama, just to have you in my life.
Naranasan ni Rachel ang apat na pinakamaliligayang araw sa kanyang buhay sa piling ni Max. Subalit hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay. Natuklasan kasi ng binata ang kasinungalingan niya at kinamuhian siya. Pagkalipas ng limang taon, muling nagtagpo ang mga landas nila ni Max. Sa pagkagulat ni Rachel, ang passion sa pagitan nila ay kasing-init pa rin noon. Pero galit pa rin si Max.Ang sabi ng binata ay kailangan nito ng closure. May sariling paraan ito para makuha iyonang buhayin uli ang apoy sa pagitan nila hanggang sa kusa iyong mamatay.