Nagulat si Bettina nang pagsungitan siya ng kilalang beterinaryo sa bayan ng San Antonio na nahuli niyang nagtatago nang lapitan niya. Inakusahan pa ng beterinaryo si Bettina na isa sa mga isinugo ng kapatid nito at ginagamit lang ang alaga niyang pusa para lang makalapit sa binata.
Napag-alaman niyang ito si Dr. Linus Arboleda, who apparently had a problem with women who kept on coming to tie him down to a wedding. Or so shed heard. Salamat sa pakikialam ng kapatid nito kaya nagkaroon na yata si Linus ng phobia sa mga babae. Kaya para tigilan na ang pobreng beterinaryo ng mga babaepartikular na ang dating nobya nitoay pumayag si Bettina sa suhestiyon ng kapatid ni Linus na magpanggap bilang fiance nito. Wala namang problema iyon sa kanya. Ang tanging nais niya ay makatulong sa kanyang kapwa.
The only problem was, she also became a victim and fell for the cynical yet charming Dr. Linus. Ngunit alam ni Bettina sa sariling hindi siya puwedeng ma-in love kay Linus dahil engaged to be married na siya sa boyfriend niya.