“You messed first with my head and then my heart. Before I knew it, boom! I was in love.” Nakakatanggap ng love letters si Drew sa isang admirer na nagtatago sa pangalang “Shy Girl.” He became curious about the sender who was breaking and invading his locker so he began to investigate. Hanggang isang araw ay nakita niyang binubuksan ng isang babae ang kanyang locker. He took a video of her putting the letter inside his locker and confronted her. But Andie denied everything. Napag-utusan lang daw itong gumawa ng sulat at ilagay ang mga iyon sa kanyang locker. May kutob si Drew na hindi ito nagsasabi ng totoo. Kaya ginamit niya ang video para i-blackmail ang babae. Ang tanging plano niya ay pakiligin nang husto si Andie hanggang sa umaming ito si Shy girl. Pero nag-backfire ang kanyang plano dahil unti-unti ay nahulog ang loob niya sa dalaga. Naniwala siyang hindi si Andie si Shy Girl dahil hindi ito ang tipong magtatago sa kanya ng tunay na saloobin. Suddenly, he’s no longer interested to unveil the mystery of his secret admirer. Mas gusto na niyang tuklasin kung may pagtingin si Andie sa kanya.
Very "exciting" book!
Edit Review