Bakit may mga taong isinilang na torpe at manhid sa mundo?<
Limang taong inakala ni Yuta na okay lang maging certified torpe dahil lagi namang nasa tabi niya ang kanyang best friend (at lihim na minamahal) na si Kanna. Hanggang sa biglang umeksena sa buhay nila ang stepbrother niyang si Seichirona parte ng pamilyang umagaw hindi lang sa papa niya kundi ng katinuan at buhay ng mama niyaang parehong lalaking sinasabi ni Kanna na unti-unti na nitong nagugustuhan.
Alam ni Yuta na kailangan na niyang bitawan ang pinanghahawakan niyang pagkakaibigan nila ni Kanna ngunit ano ang kasiguraduhang mamahalin din siya ng dalaga 'pag nalaman na nito ang katotohanan?
Sa tulong ng pagkakamali ng kaibigan niyang si Yumi, nabuo ang isang planong sasagot sa problema ni Yutaisang planong babago ng lahat. At dahil dito, magsisimula ang isang pagpapanggap upang maagaw ang puso ni Kanna sa 'di niya inaasahang pamamaraan.