“Tonight, I want to start a new life. Isang buhay na walang pagkukunwari... I’m so proud to say I love you.”
Ang buong paniniwala ni Nathaly ay nakatadhana siyang maging single habang-buhay. Why? Because she was a thirty-year-old-never-been-kissed-virgin and a member of the “No Boyfriend Since Birth” Club. Tinatawanan lang niya ang mga taong walang magawa kundi pag-usapan ang love life niyang wala raw kabuhay-buhay.
She knew what she wanted at wala siyang pakialam kung ano ang tingin sa kanya ng iba. She was single not because she was a “man-hater” as others implied. She was single simply because she was happy being one and contented with the life she had.
Not until her friend, Cherrie—also a certified NBSB—decided to marry a man she just met. Nahanap na raw kasi ng kaibigan ang lalaking bumuo sa pagkatao nito, her soul mate. Soul mate? Crap! Nathaly was disappointed.
Not until she met Nathaniel—ang guwapong lalaking hindi niya matandaan kung saan niya unang nakita at nagpabago sa mga pananaw niya sa buhay-pag-ibig.