You dont know how many times I try to control myself not to hold you in my arms every time we are together. Not to kiss you so hard on the lips. Not to rain kisses on your cheeks. Not to hold your hands so tight and be like, youre mine. Not to hug you so tight and have no intention of letting you go.
Nakaramdam ng tuwa si Yuki nang malaman na gusto siya ni EJ. Sa mga panahong nasasaktan ang dalaga kay Tyler, si EJ ang kanyang naging sandalan. Ngunit hindi magawang suklian ni Yuki ang nararamdaman ni EJ dahil mahal pa rin niya si Tyler. Naging komplikado pa ang sitwatsyon nang umamin si Tyler na mahal na niya si Yuki.
Sa sitwasyong ganito na kailangang mamili ni Yuki, hindi maiwasan ng dalaga na mahiling na sana ay dalawa ang kanyang puso para walang masasaktan sa kanilang tatlo.
Pero isa lang ang puso at isa lang ang maaaring mahalin niyon. Dalawa lang ang pagpipilian ni Yuki. Una, ang piliin si EJ at maranasang mahalin nang lubos ng binata. Pangalawa, ang sumugal sa pag-ibig ni Tyler na walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal.