Una pa lang na makita kita... para na akong dinagukan ni Kupido. Hindi nga ako nakapagsalita .
Hindi maunawaan ni Gale ang sarili kung paanong sa isang iglap ay nalipat kay Rani ang kabaliwan niya kay Toby. Compatible naman sila ni Toby. Guwapo na ay mahal pa siya ng binata.
Si Rani, bukod sa istrikto at conservative, ay nakababatang kapatid lang ang trato sa kanya. At ang mas nakakadismaya, ang ate niya ang gusto.
Sinulsulan si Gale ng barkada; ginamit niya ang isip. Praktikal lang siya. Naging boyfriend niya si Toby. Noon naman naglalapit sa kanya si Rani.
Nang magkahiwalay sila ni Toby, tuluyan na ring lumayo sa kanya si Rani dahil sa iskandalong kinasangkutan. Okay na sana ang buhay ni Gale, ngunit heto at bumalik na naman ang dalawa.
Sino ngayon ang pipiliin niya?