"Nababaliw na yata ako. Bakit ba ako umibig sa iyo?"
At fifteen, mapusok si Meryl. Siya pa mismo ang . halos manligaw na noon kay Danny, ang lalaking katuparan ng kanyang "ideal man."
Nagkawalay sila ni Danny sa mga panahong nagpapatuloy ang kanyang pagdadalaga. At sa pagbabalik nito ay hindi na siya ang dating dalagitang halos ipagduldulan ang sarili sa binata. Ganap na dalaga na siya. Isang maganda at kaakit-akit na babae.
Ngayon ay naiilang na siya kay Danny. Nako-conscious na sa mga ngiti at titig nito. At hindi na niya kayang gawin ang mga kapangahasang dati niyang ginagawa sa lalaki.
Kung kailan siya ang liligawan ni Danny, saka naman...