Mali ang akala ni Epifania delas Alasaka Edsana fairy-tale ending ang mangyayari sa kanila ng long-time boyfriend niya. Matagal na palang ipinagpalit siya nito sa katrabaho nito. Kung bakit sa lahat ng puwedeng magsabi sa kanya tungkol doon, ang super OP pa na si Ivar Santos ang may lakas loob na sumira sa lahat ng pangarap niya sa buhay. Hindi pa nakontento, nagawa pa siyang pintasan ng hudyo!
Pagkatapos niyon ay hindi na sila nagkita. Two years later, nagtagpo uli sila. May pinag-awayan na naman sila. Hanggang sa kailanganin niyang magsakripisyo at napilitan siyang pansamantalang tumigil sa bahay nito