You do not know how painful it is for me. Mga teenagers pa lang tayo ay minahal na kita.
Umalis ng Sto. Domingo si Fiona na baon sa puso ang kabiguan sa una at tanging lalaking minahal niyasi Kyle.
Makalipas ang pitong taon ay muli siyang nagbalik, malayong-malayo na sa dating Fiona na kung kumilos at manamit ay parang lalaki. She had turned into a very attractive and beautiful woman. At hindi siya nabigo sa naging reaksiyon ni Kyle pagkakita sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinitigan siya nito with so much adoration and desire.
Ikatutuwa ba ni Fiona na dahil lang sa magandang transition niya ay saka siya nito ngayon tila pinagtutuunan ng pansin?