Ang plano ko, liligawan kita, pasasagutin, at pakakasalan.
Ang akala ni Emerry ay perpekto na ang buhay niya dahil nasa kanya na ang lahatmapagmahal na mga magulang, magandang trabaho, at si Miguel na pinakamamahal niya at mahal na mahal din siya.
Pero pinaglaruan yata siya ng tadhana dahil bigla na lang namatay si Miguel. Sa pagkamatay nito ay parang bula ring naglaho ang mga pangarap nila.
She thought Miguel brought her heart with him and she would never fall in love again. Pero bigla na lang umeksena sa buhay niya ang dating kaibigan niya na si Ryan. Napakaraming pagkakapareho nito kay Miguel at kung umakto rin ito ay animo may karapatan itong pakialaman ang buhay niya.
Hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sariling naguguluhan sa nararamdaman niya. Posible bang sabay na magmahal ng dalawang tao ang puso niya? Sigurado siya sa sarili niyang para kay Miguel lamang ang puso niya pero bakit tila nakikihati na roon si Ryan?
Hanggang sa matuklasan niya ang isang kasinungalingan na parehong kinasasangkutan nina Miguel at Ryan