Youll never have to worry about me leaving you because I cant even stand the thought of it.
Super in love si Mindy Jane Rodriguez kay Kurt Harris Buenaflor, isa sa mga miyembro ng Hot Shots at best friend ng kasosyo niya sa boutique.
Tuwing ngingitian siya nito, pakiramdam niya ay nasa ulap siya. Sa bawat ngiti nito ay lumalalim nang lumalalim ang pagtingin ni Mindy rito to the point na handa na siyang mag-take ng risk maiparating lang kay Kurt ang nararamdaman niya. And she did it. She confessed to Kurt.
I cant love you back. Iyon ang mga katagang nagparamdam ng labis na kirot sa damdamin ni Mindy. In spite of that, lalo lang siyang na-challenge at ipinangako niya sa sarili na paiibigin niya si Kurt.
Hanggang malaman niya ang dahilan kung bakit hindi nito magawang umibig. Hindi niya kayang makipagkompetensiya sa babaeng laman ng puso nito.