Bakit ganon? Naririnig ko ang boses mo, pero nami-miss pa rin kita. Yakap-yakap kita, pero nami-miss pa rin kita. I get to kiss you but I still miss you. Come to think of it, siguro, ang puso mo talaga ang nami-miss ko. Ang pusong noon, mahal na mahal pa ako.
Truth or dare? Nangingislap ang mga matang tanong ni Cassandra kay Jethro nang tumapat ang nguso ng boteng ipinaikot niya sa dating nobyo.
Dare.
Ngumiti siya. Sige, inuutusan kita. Mahalin mo `ko uli. Nang matahimik ang mga kasamahan ay sinikap ni Cassandra na tumawa. Puwede bang truth na lang? Wala na kasi akong ibang maisip na ipagawa sa `yo maliban sa ang mahalin ako.
Fine, animo nagpapahinuhod na lamang na sagot ni Jethro. Truth.
Okay. If theres one thing you want to tell me, what will it be?
Tinitigan siya ni Jethro nang deretso sa mga mata. Bakit bumalik ka pa?
Napamaang si Cassandra. Paubos na ang tatlumpung araw na palugit sa kanya upang makasama ang binata.
Pero mababawi pa kaya niya si Jethro bago tuluyang angkinin ito ng iba, kung sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya?