Naunawaan niyang tama ang ibang taong ikinokompara ang pagmamahal sa kidlat. Biglang-biglang tatama iyon sa isang tao nang walang babala, at kapag tinamaan ka na ay wala ka nang magagawa.
Sina Cita, Fely, at Bebang ay mga kasambahay ni Nicanor Montero, isang lalaking mayaman at simpatiko. Pinapantasya ito ng tatlo dahil ang asawa nitong may sakit ay hindi kagandahan. Nang pumanaw ang asawa ni Nick ay natuklasan nila ang isang recipe ng gayuma. Sa pag-aagawan nila ay napunit ang papel na kinasusulatan niyon at nahati sa tatlo. Dahil lahat sila ay nag-aambisyong maging susunod na maybahay ni Nick ay walang nagsuko sa kanila ng piraso ng papel. Naging mortal silang magkakaaway
Hanggang sa dumating si Bibi, isang magandang babaeng nais itira ni Nick sa bahay na nais sana nilang maging palasyo. Nagsanib-puwersa uli sila. Sa pagkakataong iyon ay upang alisin sa kanilang landas si Bibi, upang isa sa kanila ang hiranging Mrs. Montero