Youre not just everything Ive ever wanted.Youre more.
Naliligo si Catarina sa talon nang may umatake sa kanyang lalaki. Natakasan niya ito ngunit hindi niya nakalimutan ang insidenteng iyon. Bilang ganti, sa muli nilang pagtatagpo ay ipinahiya ni Catarina ang lalaki sa harap ng mga tao. Hindi pa siya nakontento roon; ipinakulong pa niya ito.
Ang hindi alam ni Catarina, ang lalaki ay si Royce Vizcarra, ang tagapagmana ng bangko na pinagsanlaan niya ng kanilang lupain. Mahalaga para sa kanya ang Rancho Reyes kaya gagawin niya ang lahat huwag lang iyong mapasakamay ng mga Vizcarra. Kaya naman napilitan siyang tanggapin ang mga kondisyon ni Royce: magpanggap na may relasyon sila upang linisin ang pangalan nito at ang tumira sa mansiyon ng mga Vizcarra.
Kinamumuhian niya si Royce dahil sa panggigipit sa kanya. But why was there a part of her yearning to fit in his world, and to belong in his heart?