Minahal na kita mula pa nang una tayong magkita. Nang magdikit ang mga daliri natin, pakiramdam ko ay nakuryente ako. Ilang oras na ang lumipas ay nanginginig pa rin ang kamay ko.
Hindi inaasahan ni Bronte na magkukrus muli ang mga landas nila ni Luca Sabbatini, ang lalaking basta na lang siya iniwan at pinagtaguan. Pero heto at kaharap niya ngayon si Luca, sinasabing dugtungan nila ang kanilang nakaraan.
Paano iyon gagawin ni Bronte nang hindi matutuklasan ni Luca ang pinakatatago-tago niyang lihim? Kapag nalaman kasi iyon ni Luca ay kamumuhian siya ng binata. Sisirain nito ang lahat ng magagandang bagay na natitira sa kanya.
May pag-asa pa ba para sa kanila ni Luca?