Baka naman puwede mong ipahiram sa akin ang kahit isang minuto lang para mayakap kita.
Nang mabigo si Carmel sa first boyfriend niya ay tinuruan siya ni Voss para makapag-move on agad sa pinagdaanan niyang kabiguan. To her, she only saw him as nothing more than her boss and friend. Pero isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na nakatingin dito at pinagmamasdan ang kislap ng mga mata nitong nakatingin sa kanya. Kumabog ang dibdib niya dahil doon.
May problema ba? tanong nito sa kanya.
Napalunok siya nang tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang bibig. Pigil-pigil na rin niya ang kanyang hininga. Bigla ay parang gusto niyang tumili. Ano raw ba ang problema niya? Hindi ba obvious? Eh, ginugulo lang naman nito ang matinong pag-iisip at nananahimik niyang puso!
Voss Nakalimutan ni Carmel ang sasabihin niya nang tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. Kung bakit bigla ay naapektuhan siya ng mukha at ngiti nitong iyon na noon ay bale-wala lang sa kanya. At kailan pa siya napipi dahil lang nasilayan niya ang mga labi nito? Again, she was stunned. Shed never thought those lips were kissable!