"I may be the Prince in all this pero sa harap mo, isa lang akong ordinaryong tao na nangangarap na mahalin ng babaeng pinakamamahal ko. That's reality."
Pagka-graduate ni Anna sa kolehiyo ay nagtrabaho siya sa ABZ Network. She became the celebrated writer of two megahit series. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang karera. Nalipat siya sa CNE Network. Habang paganda nang paganda ang career niya ay unti-unti rin niyang nare-realize na may disadvantage din pala ang lumaki sa harap ng telebisyon at ang pagiging tauhan sa likod ng mga inaabangang TV drama.
She became jaded and cynical. Hindi siya naniniwalang maaaring mangyari sa kanya ang mga nangyayari sa mga bida sa mga kuwentong isinusulat niya kahit may isang real-life hero sa katauhan ni Derek Alonzo na parang naglakad mula sa isang eksena ng telepantasya sa TV at nagpupumilit maging bahagi ng buhay niya.
Nang maging producer siya ng bagong programang The Reality Show, hindi pa rin umalis sa tabi niya si Derek. Pinatunayan nito sa kanya ang sinabi ng nanay niya na minsan ay manipis lang ang pagitan ng mga teleserye at ng realidad ng buhay niya.