Dahil sa impulsive na pagsali sa programang The Reality Show ay nagising ang Dolce & Gabbana girl na si Fiona Arcete, also known as The Fashionista, sa sahig ng isang silid na maliit pa kaysa sa walk-in closet niya. Nadiskubre niyang kaya pala niyang mabuhay na wala ang kanyang favorite moisturizer.
Pero ang hindi niya inaasahan ay ang biglang pagsulpot ni Dean Isaac Marfori sa buhay niya. Sometime ago, he promised her a whole new world, stole her heart, and then left her. Ang pinakamasama sa lahat, hindi nito naaalala ang ginawa sa kanya. Gusto na rin niyang kalimutan ang lahat pero ayaw naman nitong pumayag...