Kung dati, ang listahan ng pangangailangan ni Capt. Luke Fabunan sa training ay may kasamang guns and explosives, ngayon ay Max Factor foundation at Extra Long Lashes by Loreal ang kailangan niyang matutuhang hawakan. Bilang bahagi ng security details ni Diana Roces, anak ng Senate President at female host ng The Reality Show, kailangan niyang magpanggap na isang personal stylist nitona isang gay.
Ang akala niya ay mahirap magpanggap na gay. Hindi niya naisip na mas mahirap palang magpanggap na hindi apektado kapag naglalakad sa harap niya si Diana na nakasuot lang ng robe at sumisilip ang pang-Victorias Secret na katawan nito, o kaya ay nagpapa-scrub ito sa kanya ng likod habang nasa bathtub at bula lang ang tumatakip sa peaches and cream na balat nito.
Para siyang nakahanap ng bagong paraan ng torture tuwing niyayakap siya nito at tinatanong ng mga inosenteng tanong nito tulad ng: Nakahalik ka na ba ng isang girl? Kasi sabi ni Direk Sean, Im a good kisser daw.