How could someone be so simple and yet so beautiful?
Bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa isang matandang pilantropo ay pumayag si Lorie na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kundi si Choi Montemayorang kilalang prinsipe ng high society na sa telebisyon lamang niya nakikita. Kung hindi lamang dahil sa ina nito ay nunca na pagtiyagaan niya ang sama ng ugali nito.
Nabago ang lahat nang bigla na lamang sumulpot ang isang batang babaeng nalaman nilang anak pala ni Choi sa dating nakarelasyon nito. Bigla ay nakita ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama ay idinamay pa siya nito sa gulo nang gawin siya nitong babysitter. Ngunit nang tumagal ay napamahal na rin siya sa bata. Hindi man niya matanggap ay wala siyang magawa nang unti-unting nakapasok si Choi sa puso niya.
Subalit alam niyang walang kahahantungan iyon. Ang isang tulad niya ay hinding-hindi magugustuhan ng isang prinsipeng gaya nito