I call it eternity reign. `You know why? Because the love I have for you is endless.
Isang Prince Charming ang turing ni Reign sa kababatang si Wryle dahil lagi siyang sinasagip ng binata tuwing napapahamak sa kanilang hacienda. At sa kabila ng batang edad, alam na ni Reign sa sarili na si Wryle ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay. Kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin at mapalapit sa kababata. Kahit pa tinututulan iyon ng mga matapobreng lolo at lola ni Reign dahil isang hamak na anak si Wryle ng kanilang tagaluto.
Ngunit sa hindi malamang dahilan ay lumayo si Wryle kasama ang ina, na punong-puno ng galit at hinanakit kay Reign. Labis siyang nasaktan.
Makalipas ang anim na taon, sa kasal ng kaibigan ni Wryle na kapwa naging platero ng lalaki ay nakita uli ni Reign siWryle. At sa kabila ng maraming taong dumaan at hindi magandang nangyari sa pagitan nila, hindi maitatanggi ni Reign na walang nagbago sa nararamdaman niya sa kababata. At sa kanilang madalas na pagkikita ay nalaman niya na mahal pa rin siya nglalaki.
Pero tila huli na ang lahat para sa kanila dahil ikakasal na si Reign sa iba