Ikaw lang ang babae sa buhay ko ngayon, bukas, at sa darating pang maraming araw ng buhay ko.
Maraming sakit ng kalooban ang pinagdaanan ni Ethel, isang sikat na fantasy writer, kaya pinili niyang maglagay ng matayog na pader upang protektahan ang sarili. Lumayo rin siya upang makapagsimulang muli. Natagpuan niya ang panibagong buhay sa bayan ng Naguilian, La Union nang mangupahan siya sa apartment na pagmamay-ari ni Constancia Callejo na may-ari din ng Marls Silver Shop, isang sikat na pagawaan ng mga silver accessories sa lugar.
Pero mukhang mabubulabog ang natagpuang katahimikan ni Ethel nang makilala niya si Denim Callejomabait, malambing, guwapo, at umaapaw sa pagiging simpatikoang nag-iisang apo ni Lola Constancia at nagtatrabaho bilang platero sa negosyo ng pamilya.
Sa unang pagkikita pa lang ay natulala na siya sa lalaki at parang natutunaw sa mga nangungusap nitong mata na tila binabasa pati ang kanyang kaluluwa.
Pero pinaglabanan niya ang atraksiyong naramdaman dahil wala na siyang karapatang umibig dahil sa kanyang mapait na nakaraan. Tila ayaw naman siyang tantanan ni Denim. Lahat ay ginawa ng lalaki upang mapalapit sa kanya sa kabila ng pag-iwas at pagsusungit niya. Hanggang sa unti-unti nang nabuwag ang depensa ni Ethel dahil sa kabaitan at pagmamahal ng lalaki. Gusto nang bumigay ng kanyang puso ng dalaga, ngunit paano kung malaman ni Denim ang kanyang nakaraan? Makayanan kaya niyang tanggapin na maaaring mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal?