Once upon a time great things happened to me and it was the day I met him,
Dwane Christian Sy, the playboy whos holding my heart
Paano kung isang araw ay makilala mo ang limang casanova/playboy ng school n`yo, not to mention theyre onto you? What will you do? Ito ba ang simula ng magulo mong buhay o isang nakakakilig na pag-ikot ng mundo mo? Ang simpleng babae ay pag-aagawan ng limang nagguguwapuhang lalaki.
Is it a dream come true or just another paasang fairy tale? Sa limang casanova, alin sa kanila ang pipiliin mo? Mai-in love ka ba sa isa sa kanila?
O, Youll give them a dose of their own medicines? Mahal ka nga ba nila? O pinaglalaruan lang din? Ano`ng gagawin mo kapag naging ganito kagulo ang buhay mo? Magre-relax, mag-iisip o GO WITH THE FLOW?
Sa haba ng buhok mo, hiyang-hiya naman si Rapunzel sa iyo. Pero paalala, ha? Sa Math nga mismo may LIMIT at ang INFINITY ay itinuturing na DNE o does not exist. DNE nga rin kaya ang HAPPY EVER AFTER mo?
Too many questions but only a story can answer.
Author Acknowledgement
Para ito sa lahat ng naging readers ko sa wattpad na sinuportahan ako all throughout. Dine-dedicate ko rin ito sa lahat ng hindi nagsawang magbasa simula sa pinakasimpleng ka-corny-han hanggang sa sukdulang ka-corny-hang taglay nito. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagbabasa, nagbasa, at muling magbabasa nito. Sana ay i-enjoy nyo lang.
Sa mga classmate ko na nakakaalam ng istoryang ito dahil sa curiosity nila, congrats ang galing ninyong manghuli. Sa mga nangungulit para sabihin ko ang title ng story ko, pasensiya na at hindi ko sinabi kasi gusto ko magustuhan nyo ito hindi dahil kilala nyo ako kundi gusto nyo kasi nagandahan kayo sa librong ito. Salamat kasi handa nyo akong suportahan.
Sa Life Is Beautiful, sobrang thank you sa opportunity na ibinigay nyo sa akin. Masaya ako kasi napili nyo ang istorya ko. Sa family ko na hindi alam na author na pala ako, hello!
Most of all, I dedicate this kay God dahil sa blessings at break na ibinigay Niya sa akin.
To God be the glory!: