“I’m writing this note to remind myself. Don’t you ever forget about Cecilia. Even if you do, you should do everything to remember. You’ll get lonely without her.”
Bilang isang writer, mahalaga kay Cecilia ang inspirasyon. Medyo matagal na kasi siyang hindi nakakapagsulat. She has lost her muse. Kaya para ma-inspire uli, nagpasya siyang umuwi sa kanilang probinsiya at nagbabaka-sakali na baka doon siya makapagsulat.
Wish granted na sana nang may ma-meet nga si Cecilia na isang bagong lalaki. Iyon nga lang, nakahandusay ito sa labas mismo ng gate ng bahay at nang magkamalay ay may amnesia pala! Sayang guwapo pa naman. And the look of fear in his eyes penetrated her heart. Kaya nagpasya siyang kupkupin ito pansamantala.
Awa lang talaga ang nararamdaman ni Cecilia sa lalaki na pinangalanan niyang Richard. Wala sa plano niya ang masanay sa presensiya nito. Because what they had was not solid. Hindi nga niya ito kilala. He didn’t even know himself.
Pero isang araw, nawala na lang si “Richard.” And she needed to find him because he took the most important part of her.
Her heart.