I am not afraid of falling in love. What I am afraid of is falling in love with the wrong person.
Katya was in her most depressing state. Wala pa rin siyang permanenteng trabaho at matinong boyfriend. Kaya naman nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang kompanya para sa kanyang initial interview ay nabuhayan siya ng pag-asa.
She was all set to go to Ortigas at naghihintay na lamang ng bus nang isang Mercedes-Benz ang dumaan sa kanyang harap at tilamsikan siya ng putik-baha.
Bumaba naman ang estupidong driver at humingi ng dispensa sa kanya. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makitang kamukha nito ang man of her dreams na si Ethan Hawke. Halos mangalog ang mga tuhod niya sa pagtitig nito sa kanya. Ngunit hindi niya hinayaan ang sarili na mabighani sa lalaki. Pinaulanan niya ito ng mga nakakainsultong salita.
Huli na nang malaman niyang napakalaking perhuwisyo ang nilikha ng pangit nilang engkuwentro. Nanganganib na maglaho ang pagkakataon niyang magkaroon ng trabaho at, higit sa lahat, na maging masaya ang kanyang puso.