Isa lang ang pakay ni Sierra kaya siya nagsadya sa opisina ni Raphael de Luna - ang bigyan na ng tuldok ang anumang nakaraan nila. Pero sa muli nilang pagkikita, humihingi ito ng pabor sa kanya. At hindi niya nagawang tanggihan ito.
Sa mga araw na magkasama sila, nagbalik sa kanya ang magagandang alaalang pinagsaluhan nila noon, maging ang damdamin niya para dito.
Paano kung humingi ito ng pangalawang pagkakataon? Paano siya makakatanggi kung pinananabikan niya nang husto ang makasama, mayakap, at mahagkan ito? Higit sa lahat, pinananabikan niyang muling mahalin ito...