Miserable ako kapag kasama kita, pero mas miserable ako kapag hindi kita kasama.
Isang masamang balita ang bumulaga kay Lexinaaksidente ang dati niyang asawa, si Franco, sa sinasakyang speedboat na pangarera at namatay sa nasabing aksidente ang matalik na kaibigan nitong si Marco.Matindi ang tinamong pinsala ni Franco. Tinawagan si Lexi ng ama ni Franco at hinihingi ang kanyang tulong. Siya lang daw ang nais makita ng dating asawa.
Dating asawa.
Kaya ipinagtataka ni Lexi kung bakit nais pa siyang makita ni Franco gayong mahigit tatlong taon na silang hiwalay. Wala na dapat siyang kinalaman pa sa lalaki. Pero natagpuan na lang ni Lexi ang sarili na nasa tabi ni Franco at inaalagaan ito. Natagpuan din niya ang sarili na nahuhulog muli ang loob sa dating asawa.
Pero si Franco, wala pa ring ipinagbabago. Masamang babae pa rin ang tingin sa kanya, lalo na at ang akala pala nito ay si Marco ang ama ng ipinagbubuntis niya noon na sa kasamaang-palad ay nalaglag.