Isusuko lang niya ang huling pintig sa puso niya kapag pinayagan na siyang mang-iwan ng babaeng buhay at lakas ng puso niya
Simple ang pamumuhay ni Crissa sa isang malayong barangay sa Legaspi City kasama ang ama niya at mababait nilang kapitbahay. Kontento at masaya siya sa buhay na malayo sa siyudad. Ang lugar nila ang itinuturing niyang tahanan kung saan malaya siyang nakakagala at sumusubok ng kung ano-anong mga bagong laro na madalas ay nagdadala sa kanya sa kapahamakan noong bata pa siyana hindi naman natutuloy dahil may laging nagliligtas sa kanya.
Hindi niya akalain na pagtuntong niya ng disiotso ay unti-unting guguluhin ng mga weird na panaginip at kakaibang kakayahan ang tahimik niyang mundo. Sa mga panahong naguguluhan siya ay iisang tao lang ang tinatakbuhan niyasi Zefro, ang magsasakang itinuturing niyang Maestro na nakatira sa gitna ng gubat. Naiintindihan siya nito at hindi itinuturing na weirdo. Sa lahat ng pagkakataon ay bukas sa kanya ang kubo nitong inilalayo nito sa lahat. Napalapit siya nang husto kay Zefro at ang lalaki ang sinandalan niya sa mga pagkakataong natatakot siya at hindi na maintindihan ang mga nangyayari sa kanya.
Buong-buo ang tiwala ni Crissa kay Zefro na hindi man lang sumagi sa isip niya na ito mismo ang susi para malaman ang malaking lihim tungkol sa kanyang pagkatao.
Paano niya tatanggapin na ang lalaking pinagkatiwalaan niya, ang lalaking napamahal nang husto sa kanya ay hindi pala totoong tapat at mapagkakatiwalaan?