Basta mahal kita. Tapos! Kailangan bang may paliwanag `yon?
Nagitla si Lili sa mga sinabi ng bagong kapitbahay niya na si Michael na perfect wife material siya at nakahanda itong iharap siya sa dambana. Wala sa plano niya na muling ma-involve sa kahit kaninong lalaki. Two years na umikot ang buhay niya sa isang lalaki para lamang isang araw ay matagpuan niya ang sarili na nag-iisa, walang tiwala sa sarili, at pangit ang tingin sa mundo.
Gusto niyang magsimula ng panibagong buhay. Sayang naman kung magmumukmok at manghihinayang siya sa isang lalaking hindi dapat panghinayangan. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay.
But Michael was always a distraction. Ang akala yata nito ay madadala ang lahat ng babae sa lalim ng dimples nito. Ang akala yata nito ay gusto niyang magpayakap sa mga bisig nitong tila kay sarap yumakap. Ang akala yata nito ay madali lamang siyang magkakagusto rito sa paraan nito ng pagpapa-cute
Pero bakit ba siya nadi-distract dito?