“It hurts so much to see you walking away with another guy.”
Chrisler Yaptengco hated everything that is “red.” Kaya nang makilala niya si Tricia Beltran—ang babaeng obsessed sa kulay na pula ay talaga namang uminit ang ulo niya. Pero imbes na ma-discourage si Tricia matapos niyang i-reject ang business proposal nito, lalo pang nagpursige ang babae na humarap sa kanya habang nakasuot ng kulay-pula mula sa damit, sapatos, hikaw, hanggang sa headband. Pero bakit imbes na magalit ay natutuwa pa si Chrisler na makita ang pagmamatigas ni Tricia sa kanya?
Tricia Beltran had only one mission in her life at the moment: to make Chrisler Yaptengco sign her business proposal. Nang makaharap ang lalaki, nawindang siya dahil sa panlalait nito sa outfit niyang nagsusumigaw sa kulay-pula. At nang malaman ang totoong dahilan ng galit nito sa lahat ng bagay na kulay-pula, hindi niya alam kung saan nanggaling ang kirot na naramdaman sa kanyang puso.