Alam mo ba na ipinag-novena pa ako ng mama mo para maging manugang niya ako?
Nakatanggap si Mutya ng sobreng naglalaman ng limang libong dolyar mula sa receptionist ng hotel kung saan sila magkikita ng lalaking nag-alok ng tulong sa kanya. May kalakip na sulat iyon at nakasaad doon na ibinibigay nito sa kanya ang perang ipinangako nito nang walang hinihinging kapalit. Labis-labis ang naging kasiyahan niya dahil doon. Mahirap lang kasi ang pamilya niya ngunit sa kabila niyon ay marami siyang pangarap para sa mga minamahal niya sa buhay.
Mula noon ay nagkasunud-sunod na ang suwerteng dumating sa kanya. Nanalo pa siya sa isang raffle contest na ang premyo ay dalawang araw at isang gabing pananatili sa Palazzo Arrastia. Doon ay nakilala at naging ka-close niya ang may-ari ng Palazzo Arrastiasi Cynthia Arrastia.
Walang ginawa ang ginang kundi paglapitin sila ng anak nitong si Raniel, ang lalaking minsan ay nakasama niyang ma-trap sa elevator. Dahil sa madalas na pagkikita nila ng binata ay naging malapit din sila sa isat isa, bagay na sa kalaunan ay nauwi sa isang mainit na tagpo sa pagitan nila. Ngunit pagkatapos na may mangyari sa kanila ay natuklasan niya ang isang sekreto: Hindi pala sa lalaking nag-alok sa kanya ng tulong nanggaling ang sobreng may lamang pera at sulat. Galing pala iyon kay Raniel.
Ano ang motibo nito sa pagbibigay sa kanya ng pera?