MAGAGAWA MO BANG MAKALIGTAS NANG MAG-ISA SA KASUKALAN HABANG TINITIYAK NG LAHAT NA HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW?
Sa nawasak na lugar na dating kilala bilang North America ay nakatayo ang bansa ng Panem, ang nagniningning na Kapitolyo na napapalibutan ng labindalawang liblib na distrito. Marahas at malupit ang Kapitolyo at pinananatili nito ang kontrol sa mga distrito sa pamamagitan ng pagpuwersa sa mga iyon na magpadala ng tig-isang lalaki at babaeng nasa pagitan ng labindalawa at labingwalo ang edad para isali sa taunang Hunger Games, ang labanan hanggang sa kamatayan na mapapanood sa telebisyon.
Para sa labing-anim na taong gulang na si Katniss Everdeen, na namumuhay mag-isa kasama ang kanyang ina at nakababatang kapatid na babae, itinakda na ang kanyang kamatayan nang akuin niya ang lugar ng kapatid niya sa laro. Pero nalagay na rin siya sa bingit ng kamatayan noon at kinasanayan na niya ang makipaglaban upang mabuhay. Hindi man niya sinasadya, siya ang naging pinakamahigpit na kalaban. Pero kung gusto niyang manalo ay kailangan niyang mamili; ang sariling kaligtasan niya laban sa kaligtasan ng iba, at ang buhay laban sa pag-ibig.