“Busog na busog ang puso ko at nahihirapan na akong pigilin ang kilig.”
“Forte” ni Gypsy ang i-assess ang isang lalaki at mag-stage ng creative scenario kapag gusto niyang idispatsa ang kanyang makukulit na manliligaw. Pero mukhang maluluma yata siya sa ranchero na si Antonello Lescano na kanyang nakilala sa lugar na pinagbakasyunan niya. One moment, napaka-sweet nito sa kanya at panay ang pa-cute, then, bigla na lang, daig pa ni Antonello ang naglilihing babae na ubod ng ligalig sa sobrang sungit. Pasalamat na lang at ubod ito ng guwapo at nag-uumapaw ang appeal dahil kung hindi ay nakatikim na ito ng karinyo-brutal mula sa kanya.
Pero isang araw ay umabot na sa sukdulan ang inis niya rito. Nasaktan siya nang akusahan siya ni Antonello ng kung anu-ano dahil lang sa maling akala. Kaya kaysa mamatay siya sa kunsumisyon sa lalaking daig pa ang signal number three na bagyo, aalis na lang siya, tutal, wala naman silang ibang pinagkakasunduan kundi ang pagkahilig nila pareho sa kabayo, at ang sweet kisses nito na mas matamis pa kaysa sa pinagsama-samang nectar ng mga bulaklak sa flower garden ng Alas-as.
Mukhang sa pagkakataong iyon, ang heartbreaker na tulad niya ang uuwing heartbroken…