"I like you so much, Kathleen. Too much that I might go crazy."
Si Chace Junelle Aguilarsikat, guwapo, talented. Lahat ng babae ay may gusto sa kanya. Halos lahat ay nagkakandarapa sa kanya at tinitilian siya. Akala niya ay makukuha na niya ang lahat pero hindi pa pala dahil sa isang babae na tinagurian ang sariling "number one hater" niyasi Kathleen. Ang akala ni Chace ay iyon lang ang papel ni Kathleen sa kanyang buhay. Pero may mas malaki pa palang gagampanan ang babae. Dahil naging asawa niya ang babaeng kinaiinisan.
And World War Three begins...