Kung kaya mong buuin ang sarili mo nang wala ako, hindi ko kayang gawin iyon sa sarili ko kung wala ka. Sana, pagbalik mo ay mahal mo na rin ako. Sana.
"Hindi mo ako makikilala hangga't hindi mo nakikilala ang sarili mo."
Iyon ang sinabi ni Wilbur kay Smitha sa kanyang panaginip. Kasabay ng pagkabuhay ng isang pag-ibig, unti-unti nga niyang nakikilala ang sarili. Hanggang sa makilala na rin niya nang husto si Wilbur - isang lalaking mas mahirap abutin, higit pa sa akala niua; isang lalaking may kapangyarihan paglaruan ang kanyang damdamin.
Ang kalimutan ito ang siyang tanging paraan upang makalimutan din niya ang lihim ng kanyang pagkatao.
Subalit paano nga ba niya makakalimutan si Wilbur Arriettano?