Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Iago at Martina. He rudely accused her of having an affair with an older man. Natural, nagalit si Martina sa kanya. Pero nang mapag- tanto niyang nagkamali siya ng akala ay humingi siya ng paumanhin dito at napatawad naman siya nito.
Ang akala niya ay doon na nagtapos iyon pero nagising na lamang siya isang umaga na hinahanap-hanap niya ito. He became smitten with her real fast and real good. Sa tingin niya ay hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niya.
“Gusto kita at gusto mo ako. Bakit hindi natin subukan ito?” sabi niya rito. Siya na yata ang pinakamaligayang lalaki sa mundo nang pumayag ito na maging nobya niya.
Subalit nauwi iyon sa panlulumo nang makita niya itong may kayakap na matandang lalaki...