Kailangan ni Hutch ang pagpupursige para patunayan sa lahat na may ibubuga siya. Siya kasi ang pinakabagong manlalaro sa kanyang team. He could not afford any distractions. At iyon si Macy sa buhay niya -- isang ubod ng cute na distraction. Kung mag-demand ito ng atensyon niya ay daig pa nito ang isang girlfriend.
Gustuhin man niya ay hindi niya puwedeng ilaan dito ang buong panahon niya. He know had his team to think about. Kaya naman kahit gaano pang pangungulit ang gawin nito ay nag-timeout muna siya rito.
Hindi niya inaasahang lalo lamang pala siyang madi-distract nang makahanap ito ng ibang binatang kukulitin...