Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
The Bridesmaid, The Willing Groom, And The Unexpected Romance
E-book

The Bridesmaid, The Willing Groom, And The Unexpected Romance

by: Keene Alicante

₱42.75 ₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

“I have loved you since I was sixteen. And I’ve never been this serious in my entire life. Ngayon lang.”    Kahit ilang beses nang nakakasalo ng wedding bouquet ay hindi pa rin nagiging bride si Aura. Well, not that it mattered to her. Abala pa naman kasi siya sa kanyang career at palagay niya ay magiging sagabal lang doon ang pagkakaroon ng love life. Wala rin siyang pakialam kung ang mga nakapaligid sa kanya ay nai-stress na dahil single pa rin siya.  Ngunit nagbiro ang tadhana.Sa isang hindi inaasahang pangyayaring hindi maipaliwanag ng siyensiya, nangailangan si Aura ng asawang ihaharap sa high school reunion niya. At wala siyang maisip na puwedeng pumatol sa kalokohang naiisip kundi ang iisang tao lang: si Rion Avendaño, ang lalaking walang ginawa kundi sirain ang araw niya tuwing minamalas na nagsasanga ang kanilang mga landas.  Pero dahil walang choice, ayaw man niya, ay pikit-matang inalok ni Aura ng proposal si Rion.  “Sinabi mo kanina na ‘no feelings involved’ sa gagawin nating ito. Pero hindi rin kita masisisi kung pagkatapos ng performance ko, totoong pakasalan mo na ako. Well, I wouldn’t blame you if you eventually fall for my charms.”  Tumaas lang ang isang kilay ni Aura. Imposible kasing ma-in love siya kay Rion dahil dinaig pa nila ang aso’t pusa tuwing mag-aasaran. Kahit na nga ba sabihing once upon a time ay totoong nahulog siya sa so-called charms na ipinagyayabang ng binata sa kanya.

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImage
Image
Image