Even if my life breaks into pieces, Ill be fine as long as theres one person who will stay with me. Just one person. And that person should be you.
Buong buhay ni Elij ay ginugol niya sa pag-iintindi ng ikabubuhay ng kanyang pamilya. Siya na ang tumayong breadwinner mula nang mamatay ang kanyang ama at maparalisa naman ang kanyang ina. Lahat ng trabaho ay pinasok niya para lamang maibigay sa pamilya ang kaginhawahang nais niyang maranasan ng mga ito.
Hanggang sa makakuha si Elij ng trabaho na sagot sa lahat ng pangangailangan nila. Pero makakasama niya sa trabahong iyon ang pinakamakulit at pinakamadaldal na abogadong nakilala niyasi Thaddeus Arzadon. Walang ibang ginawa ang lalaki kundi ang pahirapan siya sa trabaho.
Sa loob ng mahabang panahon na nakasama ni Elij si Thaddeus ay lalo niya itong nakilala. Nalaman niya ang mga bagay na itinatago ng binata sa likod ng mga ngiti nito. Nalaman niya ang kuwento ng buhay nito. At nakumpirma rin niya na sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Hindi na niya magawa pang lumayo, gusto na rin niyang protektahan at pasayahin ang binata sa abot ng kanyang makakaya.
Subalit isang sekreto ang hindi magagawang sabihin ni Elij kay Thaddeus. Isang sekreto ng buhay niya na hindi niya magawang takasan. Isang sekreto na dahilan kung bakit naroon siya at kasama si Thaddeus. Isang sekreto na siguradong ikapapahamak nilang dalawa.