“I haven’t given you anything. But let me start with giving you my name.” Alyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga kaibigan. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend. Pero isang aksidente ang nangyari sa kaibigan niyang si Liezl na naging dahilan ng pagkawala ng alaala nito. Napilitan siyang ayusin ang mga naiwang trabaho ni Liezl bilang isang sekretarya ng isang malaking kompanya. At hindi niya inaasahang makakasama sa trabahong iyon si Justin Aguirre, ang boyfriend ng kaibigan niya na hindi yata marunong ngumiti kahit minsan. Walang alam gawin si Justin kundi ang magtrabaho. Simula pa lang ay ayaw niya na sa lalaki dahil sa ugali nitong pang-ibang mundo yata. Habang nasa ibang bansa at kasama si Justin ay unti-unting nahuhulog ang loob niya sa guwapong alien na ito. Bakit niya iyon nararamdaman? Hindi naman ito pumasa sa mga standards niya sa pagpili ng lalaking mamahalin, ah. At isa pa, hindi niya magagawang sulutin ito sa kaibigang may amnesia. She was a loyal friend, remember?