Ive been loving you forever. `Pag tapos na ang forever, thats when Ill stop loving you.
Mahal ni Allison si Cyrus, ngunit kasintahan ito ng stepsister niyang si Geleen.
Subalit dahil sa isang di-inaasahang pangyayari ay siya ang pinakasalan ng lalaki. Bittersweet man ang pakiramdam ay maligaya na rin si Allison dahil mahal niya si Cyrus.
Ngunit nang madiskubre nito ang panlilinlang na ginawa niya, ganoon na lamang ang pagpapasakit na ipinalasap nito sa kanya.
At sa kabila ng lahat, nakahanda pa rin si Allison na tanggapin ang ano mang kaparusahang igagawad ni Cyrus, hanggang sa magkaroon ng katuparan ang pag-ibig niya para sa binata, kahit na walang katiyakan kung kailan...