I am afraid that I will fall in love with you so deep I wont be able to uproot myself when its time to.
Solange wasnt perfectin fact, she was far from it. Isa sa mga nakaka-turn off niyang ugali ang mawala sa sarili kapag nalalasing. Pero aakalain ba ni Solange na sa ganoong pangyayari pa makikilala ang lalaking mapipisil niyang ipalit sa ipinagmamarakulyo niyang prospect na naunsiyami?
Alam ni Solange na may lalaking umasikaso sa kanya nang minsan siyang nalasing, pero wala siyang matandaan tungkol dito. Nang hanapin niya ang lalaki, nakilala niya si Luc, isang guwapong heart surgeon, na medyo palikero.
Nakakamangha, pero ang bilis na napalagay ang loob ni Solange kay Luc. Nakakalimutan niya ang pagiging maldita.
Natagpuan na ba ni Solange ang lalaking para sa kanya, o isang heartbreak na naman ang nakatakdang maganap?