“Just between you and me, I’ve never been this excited to kiss a woman before.”
Dala ng pagkakasamaan nila ng loob ng kanyang ama ay nagbakasyon si Bonita sa probinsiya ng kanyang lolo. Doon ay nakilala niya si Fabian Poblete, ang congressman na suki sa barberya ng kanyang lolo. Unang pagkikita pa lamang nila ay hindi na siya natuwa rito. Hindi rin naman ito natuwa sa kanya sapagkat na-murder niya ang buhok ni Fabian na kung itrato ng lalaki ay tila ginto.
Tuwing makikita siya nito ay parati siyang pinagagalitan na animo ay may karapatan itong gawin iyon.
Ngunit ang inis niya ay unti-unting napapalitan ng kilig. Hindi dapat mangyari iyon sapagkat magkalayung-magkalayo ang mga mundo nila… Si Bonita ay isang babaeng barbero na pilit ipinapakasal ng kanyang ama sa isa niyang manliligaw... Habang si Fabian naman ay isang mahusay na abogado at politiko, mayaman at sikat. Saan lulugar ang kilig niya?