Im guilty of doing a couple of crazy things in the past but not this. Pursuing you is the sanest thing Ive done in my life .
Lumaking sheltered sa mundo si Faith. Graduate na siya ng college nang matikman niya ang wika nga ay tamis ng unang pag-ibig. And it was all through the courtesy of Andrew, ang ex-basketball star-turned-sports shop owner na isang araw pagkatapos niyang makilala ay pinaulanan agad siya ng romantikong atensiyon.
He was quite a charmer. Walang kalaban-laban ang puso ni Faith. First crush, first suitor, first kiss, first love, first you-know-whatiyon ang binata sa buhay niya. Sa maikling panahon ay naging maligaya siya sa piling ni Andrew. Hanggang sa matuklasan niyang niloloko lamang pala siya ng binata.
Pinakyaw na ni Andrew ang lahat ng first ni Faith. Pati ba ang first heartache niya ay kailangan din niyang ibigay sa binata?