Nagpapagaling ng kanyang sugatang puso si Maja nang makilala niya ang mag-amang Ivan at Angie. Agad na napalapit sa kanya ang kalooban ng batang babae pagkatapos niyang iligtas ito mula sa pagkakalunod. Siya man ay ganoon din dito.
Laking gulat niya nang may ipakiusap sa kanya ang ama nito: puwede raw ba siyang maging temporary mommy ng anak nito?
Tumanggi siya. Pero naisip din niya, sa halip na nagmumukmok siya, mas mabuting pasayahin na lang niya ang isang munting anghel na nalalapit na ang paglisan sa mundo.
Ang hindi niya inasahan ay ang kaligayahang nadama niya nang maging bahagi siya ng buhay ng mga ito. Hanggang sa dumating ang puntong inasam na niyang maging permanente sa buhay ng mga ito, lalo na kay Ivan na natutuhan na niyang ibigin. That was when she realized her heart was in trouble.
Hanggang isang araw ay dumating ang kinatatakutan niya: kailangan na niyang umalis sa buhay ng mga ito.