Nakilala ni Yzee ang napakaguwapo at napakakisig na may-ari ng isla kung saan nakatira ang tiyo at tiya niya. Sa kabila ng mga katangiang iyon ni Andro ay may kapintasan ito. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang humanga si Yzee sa lalaki. Kaya nang kailanganin ni Andro ang kanyang tulong ay pinagbigyan niya ito. Nagpakasal siya rito nang kailanganin nito ang isang asawa para sa isang importanteng business transaction sa mga banyaga.
Pero sa sandaling pagpapanggap ay nahulog siya rito. At tila ganoon din ito sa kanya. Kung kailan masayang-masaya na siya sa nadiskubreng pag-ibig, saka niya naunawaang isa lang siyang maliit na pain sa isang sistema ng mga mayayamang negosyante at laro ng isang makapangyarihang pamilya. Hindi naging tapat si Andro sa kanya sa lahat ng bagay.
At kahit mahal pa rin niya ito, kahit nauunawaan niya ang sitwasyon nito, kinailangan pa rin niyang lumayo para masiguro niya ang katatagan ng kanilang mga puso!