"Surrendering my heart to you was the best thing I've ever done. It was like reaching the end of the rainbow. It's as if I've seen the pot of gold and touched it."
Simula nang dumating si Lilac sa lugar nina Reed ay nagulo na ang buhay ng binatilyo. Wala kasing ibang ginawa si Lilac kundi ang sundan si Reed at gayahin ang mga ginagawa nito. At tuwing may nagyayaring hindi kanais-nais kay Lilac ay si Reed ang nasisisi.
A few years later, when they were both sixteen, ganoon pa rin ang mga pangyayari. Pero para kay Lilac ay tila Romeo and Juliet ang kuwento nila ni Reed. Tunay silang nagmamahalan at tanging hadlang sa kanilang dalawa ay ang kani-kanilang mga magulang.
At tama nga si Lilac. Soon, she and Reed had a relationship. Perfect na sana ang lahat. Kung masasabi lamang sana nila sa kani-kanilang mga magulang ang tungkol sa kanilang relasyon.