Hindi niya alam kung paano nito nagawang magtayo ng tent sa isang sulok ng puso niya. Parang squatter ito na kahit ayaw niyang naroon ay hindi niya mapaalis-alis.
Sa kasagsagan ng bagyo ay inihatid si Ching ni Finnegan, ang piloto ng charter plane na inupahan niya, para makauwi siya sa islang pagmamay-ari ng kanyang pamilya.
Nasa himapapawid pa lang sila ay may sumisingit nang atraksiyon sa puso niya para dito. Mabuti na lang din at guwapo ito dahil nabaling ang atensiyon niya palayo sa mga lalaking naghihintay sa kanya sa isla sa pakana ng kanyang inang desperado nang magkaasawa siya.
Hindi mahirap para sa kanya na mahulog ang loob kay Finnegan, lalo na at nararamdaman niyang nagraramdaman niyang may pagtingin na rin ito sa kanya. Ngunit isang gabi ay nagpaalam ito. Sasabak daw ito sa isang misyon at walang nakakaalam kung makakauwi ito ng buhay.