"Minahal niya ako nang wagas... nang walang hinihintay na kapalit."
Nagmagandang-loob lang si Doreen na isakay ang isang matandang lalaki na nababasa na ng ulan sa waiting shed. Si Mang Joe, pakilala nito, at matandang guwardiya sa Falcon Builders.
Nag-iisa, malungkot ang buhay nito tulad niya. Naging magkaibigan sina Doreen at Mang Joe. Inatake sa puso ang lalaki sa loob ng kanyang bahay. Iyon na ang simula ng isang malaking bangungot sa buhay ni Doreen. Si Mang Joe ay hindi guwardiya kundi ito ang may-ari ng kompanya, si Matt Falcon Sr.
Nalaman niyang sa kanya ipinamana ni Matt Falcon, Sr. ang lahat ng kayamanan nito sa poot nina Cleo at Jan at kahit ni Andrew.
Ano ang gagawin ni Doreen - aangkinin ba niya iyon o ibabalik sa mga tunay na tagapagmana ni Matt Falcon? Then she thought she was falling in love with Jan Falcon, kahit alam niyang may asawa na ang lalaki. Pero bakit sa tuwing nagtatagpo ang landas nila ni Andrew ay tila laging may paruparo sa sikmura niya? Bakit takot siya rito, and yet at the same time felf safe with him?